SEVEN BANK Internasyonal Remittance ServiceInternasyonal Remittance Service

Makipag-ugnay

Benepisyo ng Service / Singil ng Remittance(Cash pick up sa mga agent location)
(WESTERN UNION)(*3,*5)

Nakaranas ba kayo ng mga problema sa pagpadala sa ibang bansa?

  • ●Kailangan mag day-off sa trabaho at pumunta sa bangko, para lang makapagpadala ng pera
  • ●Maraming hinihingi na iba't ibang bayad bukod pa sa singil ng padala
  • ●Pagkatapos ipadala ang pera kailangan pa maghintay ng matagal bago makuha ang pera
  • ●Kailangan magsulat ng form kada padala
  1. 1

    Anumang oras Saan man lugar
    Maaari kang magpadala ng pera!

  2. 2

    Simple lang ang singil ng padala!

  3. 3

    Maraming tanggapan!
    Ilan minuto lang tanggap na kaagad!

  4. 4

    Sa pagpadala ng pera hindi na kailangan magfill up ng form!

1Anumang oras Saan man lugar Maaari mag padala ng pera!(*1,*11)

Sa Seven Bank Internasyonal Remittance Service, kahit anong oras ay maaari kang magremit.
Kapag internet banking ng Seven Bank ang inyong gagamitin, kahit kailan at kahit saan ay maaari kang magremit. At kung walang malapit na bangko sa inyo, maaari ninyong gamitin ang mahigit 26,000 Seven Bank ATMs na matatagpuan sa lahat ng 7-11 sa loob ng bansa at sa mga istasyon ng tren, paliparan, at iba pa.

2Simple lang ang singil ng padala!(*10)

Sa Seven Bank Internasyonal Remittance Service, risonable at malinaw ang singil ng remittance.

Sa karaniwan ay walang bawas o hiwalay na singil sa pagtanggap ng remittance.

Ang singil ng remittance ay iba-iba depende sa halaga ng ipaparemit. Tingnan ang talaan sa ibaba. Ang singil ng remittance kasama ng halagang ipaparemit ay babawasin sa Seven Bank account ninyo pagkatapos makumpleto ang transaksyon ng padala.

(Cash pick up sa mga agent location)

Singil ng Remittance
Halagang Ipapadala Singil sa Pagpapadala
1 Yen – 10,000 Yen 990 Yen
10,001 Yen – 50,000 Yen 1,500 Yen
50,001 Yen – 100,000 Yen 2,000 Yen
100,001 Yen – 250,000 Yen 3,000 Yen
250,001 Yen – 500,000 Yen 5,000 Yen
500,001 Yen – 1,000,000 Yen 6,500 Yen
  • * May mga nakatakdang halaga para sa pagpapapadala patungo sa Pilipinas, China at iba pang bansa. Para sa detalye, tingnan DITO.
  • * Para sa pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng ATM ng Seven Bank, may isisingil na ATM Service Fee dagdag sa singil sa pagpapadala, depende sa oras na ginamit ito.
  • * Kasama na napagpasyahang rate na gagamitin sa palitan ng currency para sa remittance ang tubo ng kumpanya.
    Pagdeposit sa Bank account(padala sa China at Philippines) ay dito

3Maraming tanggapan! ilan minuto lang tanggap kaagad!(*4,*23)

Para sa "Cash Pick-up" ng Seven Bank International Mpney Transfer Service, matatanggap kaagad ang pera sa loob ng ilang minuto lamang.

Para sa "Cash Pick-up" ng Seven Bank International Money Transfer Service, marami ang lugar ng pagtanggap ng remittance.
Dahil sa tie-up sa Western Union, isa sa pinakamalaking kumpanya ng remittance, may mahigit 200 bansa at 510 libong lugar sa buong mundo na maaaring tumangap ng ipapadala ninyo.

Para sa bansang tumatanggap at lugar ng remittance ay dito ikumpirma.

4Sa pagpadala ng pera, hindi na kailangan mag fill up ng form!

Hindi kailangan mag pasa ng papeles o mag sulat papeles sa pagpadala ng pera

* Kailangan lamang magparegister, kapag may bago idagdag na receiver.